The EU Election Observation Mission presented its final report and offered 21 recommendations

(Filipino version follows)
The European Election Observation Mission (EU EOM) to the Philippines released its final report on the 12 May 2025 National Midterm Elections. The report presents the mission’s findings and conclusions following a long-term observation of the process that the Chief Observer and member of the European Parliament Marta Temido, presented today at a press conference.
Temido highlighted that Philippine voters showed “a strong commitment to democratic values” despite challenges that included electoral violence, the concentration of political powers among a few families, vote buying and a legal framework marked by significant gaps and ambiguities. These shortcomings – she noted – call for a comprehensive review of the electoral legal framework and for reforms, which have also been advocated by many Filipino politicians, authorities, and the civil society.”
The report includes a total of 21 recommendations that the EU EOM, in line with its mandate, offers for the consideration of Philippines’ political and electoral authorities, political parties, civil society, and the public at large. Among these, the Chief Observer highlighted as priorities the need to recodify and harmonise the legal framework to remove discrepancies and inconsistencies, including making explicit in the legislation the right of access to polling precincts to all accredited election observers and party representatives, eliminate restrictions on the rights to vote and be elected, repealing criminal defamation provisions in favour of civil sanctions, achieving gender parity and alternation in elected and appointed positions. Temido noted that the EU EOM recommends that the Commission on Elections (COMELEC) “take effective measures to ensure the secrecy of the vote for all voters, describing it as “the most effective means to address vote buying.”
The EU EOM final report finds that the COMELEC administered the elections efficiently, took proactive measures to promote inclusiveness and attempted to address entrenched vote-buying practices. “However, its extensive powers to exclude and disqualify candidates based on non-objective criteria, and to suspend the proclamation of duly elected officials are not in line with key international standards” the Chief observer explained.
Before the elections, the COMELEC issued resolutions introducing changes on out-of-country voting, digital campaigning, disinformation, artificial intelligence, and campaign activities. These measures were largely welcomed, particularly those against red-tagging, vote buying, and the use of discriminatory and sexist speech. However, some resolutions effectively introduced new rules, raising concerns about legal hierarchy and certainty.
The legal framework provides a basis for democratic elections. However, the EU EOM final report finds that nearly half of the provisions of the 1985 Omnibus Election Code are outdated, leaving the electoral legislation scattered and not harmonised. Key issues remain unaddressed, namely a comprehensive regulation of political parties and provisions to curb the dominance of political families. Several laws continue to impact the human rights and electoral environment.
The report notes COMELEC’s extensive discretionary powers over candidate registration, including the authority to reject “nuisance candidates” based on a subjective assessment of their credibility. In this regard, the EU EOM concludes that such approach has posed challenges for newcomers, reinforcing public perceptions that elections are dominated by elites, limiting political pluralism and establishing an uneven playing field.
Freedom of the press was respected during the campaign. However, long-standing challenges persisted, including attacks and intimidation against journalists, economic vulnerability and a prevailing culture of impunity. Regarding disinformation, the report finds positive that the COMELEC established a task force that collaborated with 24 organisations to identify and remove harmful content. However, the EU EOM social media monitoring unit found that some candidates boosted their campaigns by artificially increasing their followers.
Chief Observer Marta Temido expressed confidence that the Philippines will continue their reform journey, emphasising that core principles as inclusivity, transparency, secrecy of the vote and freedom of expression are central to the success of these reforms. “The European Union stands ready to support the Philippines in implementing these recommendations to further strengthen the country’s democratic path” she concluded.
Upon the invitation of Philippine authorities, the EU EOM carried out its work between 28 March and 2 June 2025. The mission deployed 226 observers from EU Member States, as well as from Canada, Norway and Switzerland. Please download the final report here.
Ibinahagi ng EU Election Observation Mission ang kanilang final report at nagpanukala ng 21 rekomendasyon na layong pag-igtingin ang transparency, pakikilahok at pagpapatibay ng mga legal na balangkas ng halalan
Ngayong araw, ibinahagi ng European Union Election Observation Mission (EU EOM) to the Philippines ang kanilang pangwakas na ulat (final report) patungkol sa nagdaang pambansang halalan noong ika-12 ng Mayo, kung saan kanilang inilatag ang mga natuklasan at mga konklusyon matapos ang mahabang pagmamasid sa nagdaang halalan, na ibinahagi ni EU EOM Chief Observer at miyembro ng European Parliament, Marta Temido, sa isang press conference ngayong araw.
Binigyang-halaga ni Chief Observer Temido ang pagpapamalas ng mga Pilipino ng “dedikasyon sa demokrasya” sa kabila ng mga hamon tulad ng karahasan, ang pagpapanatili ng kapangyarihan sa mga dinastiyang pulitikal, pagbili ng boto, at kawalan ng linaw sa kabuuang balangkas ng mga batas patungkol sa halalan. Ayon kay Temido, “Ang mga pagkukulang na ito ay nagsisilbing panawagan para sa isang komprehensibong pagsusuri ng legal na balangkas ng halalan at pagpapatupad ng mga reporma, na matagal nang isinusulong ng mga pulitiko, mga kinauukulan at ng pribadong sektor sa Pilipinas.”
Dalawampu’t isang rekomendasyon ang inilatag ng EU EOM sa ulat na ito upang pag-aralan ng mga awtoridad, ng mga nangangasiwa sa halalan, ng mga partido pulitikal, ng lipunang sibil, at ng madla. Sa mga panukalang ibinahagi, binigyang diin ni Chief Observer Temido bilang prayoridad ang pagsasaayos ng balangkas ng mga batas-panghalalan ng bansa upang mapagtugma ang mga nagsasalungatang probisyon nito. Kabilang dito ang paglilinaw tungkol sa kalayaang makapagmasid sa loob ng mga presinto ng mga election observer pati ng mga pollwatcher na kumakatawan sa mga partido, pag-alis sa mga balakid sa karapatang makaboto at karapatang kumandidato, at maalis din ang probisyon sa paninirang puri para sa mas mabigat na parusang sibil upang maatim ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at paghalili sa mga nahalal at hinirang na mga posisyon. Hiniling din ni Chief Observer Temido sa COMELEC na “magsagawa ito ng mga mabisang hakbang upang masiguro na napapanatiling lihim at sagrado ang balota ng bawat botante,” at isinalarawan ito bilang “pinakamabisang paraan upang maiwasan ang bilihan at bentahan ng boto.”
Nakasad sa ulat ng EU EOM na maayos na napangasiwaan ng COMELEC ang halalan. Ang COMELEC ay gumawa ng maagap na mga hakbang para isulong ang inklusibong halalan at sinubukang matugunan ang mga maling gawi ng pagbili ng boto. “Gayunpaman, ang paggamit ng COMELEC ng kapangyarihan nito upang idiskwalipika ang mga kandidato ng walang obhektibong batayan at isuspinde ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato ay taliwas sa mga pandaigdigang pamantayan sa halalan,” ani ni Chief Observer Temido. Bago ang halalan, naglabas ang COMELEC ng mga resolusyon na naglunsad ng mga pagbabago tulad ng absentee voting, digital na pangangampanya, paghumpay sa masamang dulot ng disinformation at paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya. Malugod itong tinanggap ng madla, lalo na ang mga kapasiyahang nagbabawal sa red-tagging, pagbili ng boto at paggamit ng mapanghusga at mahalay na pananalita sa kampanya. Gayunpaman, ang ilan sa mga resolsyuong ito ay naglundas ng panibagong mga patakaran at alituntunin na siyang nagdulot ng kalituhan tungkol sa panunuran at katiyakan ng mga batas.
Ang balangkas ng mga batas-panghalalan ang siyang nagsisilbing batayan ng demokratikong hahalan. Ngunit napag-alaman ng EU EOM na halos kalahati ng mga probisyon sa 1985 Omnibus Election Code ay napaglipasan na ng panahon, na nagdudulot ng mga puwang, salungatan at kalituhan pagdating sa wastong pagpapatupad ng mga naturing batas. May mga panguhahing isyu na hindi pa rin natutugunan, tulad ng komprehensibong regulasyon sa mga partido pulitikal at mga probisyon sa batas upang sawatahin ang pag-iral ng mga dinastiyang politikal. Marami ring mga batas ang may hindi magandang dulot sa mga karapatang pantao at sa umiiral na kalagayang elektoral.
Binigyang-pansin ng ulat ang kawalan ng hustong batayan sa pagpapasiya ng COMELEC ukol sa mga kandidatura, lalo na sa pagdeklara ng mga “nuisance candidates” batay sa hindi obhetibong pagtatasa ng kredibilidad ng mga gustong kumandidato. Napagtanto ng EU EOM na ang kaparaanang ito ay nagsilbing balakid sa mga baguhang kandidato, na siyang nagpatibay sa umiiral na pananaw ng publiko na ang halalan ay ekslusibo lamang sa mga may mataas na antas sa lipunan, na nililimitahan ang pampulitikang pluralismo at nagtatakda ng hindi patas na labanan.
Sa pangkalahatan ay ginagalang ang kalayaan sa pamamahayag noong panahon ng kampanya, subalit nananatili pa rin ang ilang mga hamon tulad ng pag-atake at pananakot sa mga mamamahayag, kagipitang pang-ekonomiko at umiiral na kultura ng kawalang-pananagutan. Tungkol sa disinformation, ikinagalak ng EUEOM ang pagsusumikap ng COMELEC, na nagtatag ng isang task force na nakipagtulungan sa dalawampu’t-apat na organisasyon upang matukoy at maialis ang mga mapaminsalang content sa social media. Napag-alamanan ng EU EOM social media monitoring unit na may mga kandidatong napalakas ang kanilang mga kampanya online sa artipisyal na pagpaparami sa kanilang mga tagasunod online.
Tiwala si Chief Observer Marta Temido na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang nasimulan nang pagsusulong ng mga reporma, at binigyang-diin niya na ang mga pampantayang prinsipyo ng pagiging inklusibo, transparency, pagpapanatiling sagrado ng balota at kalayaan sa pamamahayag ang siyang magiging batayan sa pagtatagumpay ng mga repormang ito.“Handang sumuporta ang European Union sa Pilpinas sa pagsasakatuparan ng mga mungkahing ito upang lalong pag-igitngin demokrasya sa bansa,” ani Temido.
Base sa paanyaya ng pamahalaan ng Pilipinas, isinagawa ng EU EOM ang pagmamasid nito mula ika-25 ng Marso hanggang ika-2 ng Hunyo 2025. Nagpadala ang misyon ng ng 226 election observers mula sa mga bansang kasapi ng EU, at mula sa mga bansang Canada, Norway at Switzerland. Lahat ng ulat at opisyal na pahayag ng misyon ay mababasa sa philippines2025.eueom.eu.
(Please note that the English text is the only official version)