EU Election Observation Mission to the Philippines deploys 104 short-term observers – 226 observers in total to observe Election Day

 

The European Union Election Observation Mission (EU EOM) to the Philippines is deploying 104 short-term observers across the country today. This marks the deployment of the third group of EU EOM observers, following the arrival of a core team of analysts at the end of March, and the deployment of 72 long-term observers in mid-April.

"The 104 short-term observers will be deployed across all regions of the Philippines, in both urban and rural areas. Together with the core team and the long-term observers, they will enhance the mission’s presence, reach, and capacity on election day, as well as during the polling, automated counting, and canvassing of results," said Chief Observer Marta Temido during a press point in Manila.

On election-day, the EU observers will be mobile on the ground, visiting different precincts from the opening at 5 a.m. to the closing at 7 p.m. Then, each team will observe the closing procedures at one polling precinct and remain there until the counting operations are over,” she added. “After each visit, they will fill out an observation form and send it to our headquarters in Manila. The teams will also observe the functioning of the election technology,” the Chief Observer added. 

Marta Temido remarked that with the observation of the election day proceedings, the EU EOM “aims to contribute to the integrity of the elections, without interfering nor validating its results”.

Prior to their deployment, the short-term observers received a three-day in-depth briefing in Manila on the electoral framework, voting and counting procedures, and the political environment.

In addition to the short-term observers and the 72 long-term observers already deployed, a delegation of the European Parliament and a further 20 accredited members of the diplomatic community from EU member states, Canada, Norway, and Switzerland will join the EU EOM in the coming days. In total, on election day, the EU EOM will deploy a total of 226 observers. They will cover all regions of the Philippines from 76 locations in the provinces and cities.

The EU EOM will issue a preliminary statement on findings at a press conference on 14 May in Manila. This statement will be published on our website, distributed to the press, and made available to all Philippine citizens and the authorities. A final report with recommendations will be presented in the country approximately two months after the elections. “Constructive recommendations will be the legacy of our mission, offered to the consideration of people and authorities in the same spirit of cooperation and partnership with the Philippines that marks our presence in the country since our arrival”, Marta Temido concluded.

The European Union was invited to observe the elections by the Commission on Elections (COMELEC) and the Government of the Philippines. The EU EOM is independent and impartial, abiding by the Declaration of Principles for International Election Observation and its Code of Conduct, as well as the laws of the Philippines.

 

 

EU Election Observation Mission nagpadala ng karagdagang 104 short-term observers sa Pilipinas

 

Manila, 7 May 2025 – Ang European Union Election Observation Mission (EU EOM) ay nagpadala ng karagdagang 104 short-term observers ngayong araw. Eto ay ikatlo at pinakamalaking grupo ng mga tagamasid ng halalan na ipinadala ng EU EOM, matapos nitong magpadala ng core team ng mga taga-analisa noong Marso at ng naunang 72 long-term observers nuong Abril. 

“Ang 104 short-term observers ng Misyon ay ipapadala sa lahat ng rehiyon sa bansa at pupunta sa mga kalungsuran at kanayunan. Kasama ang core team ng mga taga-analisa at ang mga long-term observers, ang mga short-term observers ay daragdag sa presensya, abot at kapasidad ng Misyon sa pagoobserba sa nalalapit na eleksyon. Sila ay magmamasid sa pagboto, atomatikong pagbilang ng mga boto at pagtitiyak ng resulta,” sabi ni EU EOM Chief Observer, Marta Temido, sa press point kaninang umaga.

“Sa araw ng halalan, ang mga EU election observers ay magiikot at bibisita sa iba’t-ibang mga presinto, simula sa pagbukas ng mga ito ng alas-singko ng umaga hanggang sa pagsasara ng alas syete ng gabi. Matapos nito, sila naman ay magoobserba ng isang presinto para makita ang mga preparasyon sa pagsasara at mananatili doon hanggang matapos ang bilangan. Pagkatapos ng bilangan, sila ay magbibigay ng report gamit ang observation forms at mabilis na ipapadala ang kanilang mga obserbasyon sa headquarters sa Maynila. Sila din ay magoobserba kung gano kaepektibo ang gamit na technolohiyang panghahalan sa bansa,” anya ni Chief Observer Temido.

Dagdag pa ni Marta Temido na ang pagmamasid ng mga kaganapan sa araw ng halalan ay may layong makatulong sa pagpreserba ng integridad ng halalan, nang walang panghihimasok mula sa EU EOM. Ang misyon ay hindi rin maggagarantiya ng resulta ng halalan.

Bago ang kanilang pagiikot sa buong bansa, ang mga short-term observers ay sumailalim sa tatlong araw na pagaaral sa Maynila ukol sa balangkas ng halalan, pagboto, pagbibilang ng resulta at pulitika sa bansa upang lalong maintindihan ang buong proseso ng halalan sa bansa.

Maliban sa short at long term observers na naipadala na, isang delegasyon mula sa European Parliament at benteng pang mga miyembro ng EU diplomatic community sa bansa na representante ng EU member states, Canada, Norway at Switzerland ang sasama pa sa pagmamasid sa mga susunod na araw. Sa kabuuan, ang EU EOM ay magpapadala ng 226 observers sa araw ng halalan. Sila ay magmamasid sa lahat ng rehiyon sa bansa mula sa 76 na lokasyon sa mga kalungsuran at kanayunan.

Matapos ang halalan at sa ika-14 ng Mayo, ang EU EOM ay pormal na magbibigay ng preliminary statement base sa resulta ng ilang linggong pagmamatyag. Ang statement na ito ay ilalathala sa website ng misyon, ipapamahagi sa press at sisiguraduhing madaling makakakuha ng kopya ang mga mamayang Pilipino at ng mga taga-gobyerno. Ang pinal na report, na may kaakilap na mga rekomendasyon, ay ibabahagi sa bansa dalawang buwan matapos ang halalan. “Ang mga nakapagbibigay-liwanag na mga rekomendasyon ay bahagi na ng aming misyon at ito ay ibinibigay ng EU na may pagsasalang-alang sa mamamayang Pilipino at mga awtoridad sa bansa. Ito ay repleksyon lamang ng mainit na pagtanggap, kooperasyon at pakikisama na aming natanggap mula sa Pilipinas mula nang kami ay dumating sa bansa,” sabi ni Marta Temido.

Ang European Union ay inimbitahan ng Commission on Elections (COMELEC) at ng goberyno ng Pilipinas na magmasid ng halalan sa bansa. Ang EU EOM ay isang independyente at walang kinikilingang misyon na sumusunod sa Declaration of Principles for International Election Observation, sa Code of Conduct at sa mga batas sa Pilipinas.