"Voters’ commitment to democracy marred by systemic deficiencies". The EU EOM presents its Preliminary Statement

Kindly scroll down for the Press Release in Filipino.

 

On 12 May, Filipino voters went to the polls, demonstrating a strong commitment to democracy and civic values, despite the persistence of vote-buying, which the Commission on Elections (COMELEC) only partially addressed through regulations and initiatives” said Chief Observer Marta Temido during a press conference in Manila, where she presented the EU Election Observation Mission (EU EOM) Preliminary Statement. 

She recalled that following a formal invitation from the Philippines to observe the 2025 National Midterm Elections, the European Union has deployed an EOM with the mandate to observe all aspects of the electoral process. “As per the EU’s methodology, the EU and Filipino authorities signed an Administrative Arrangement setting the basis for the Mission, granting the EU EOM and its members ‘freedom of access, at any time, to all polling stations and counting/tabulation centres,’ and also ensuring that all mission’s members shall abide by the COMELEC’s International Election Observer Accreditation Guidelines and the EU EOM Code of Conduct” she explained.

The elections took place against the backdrop of a continued dominance of few political families in the lists of candidates, detracting from overall competitiveness. The process was also marred by election-related violence, including on election day.” the Chief Observer added. Despite that, the campaign was vibrant and media coverage pluralistic, both which enhanced voter’s ability to make an informed choice.

“EU observers witnessed several credible indications and received reports of vote-buying through cash and goods, as well as partisan distribution of welfare payouts (ayuda). Violent incidents marred the election process in some parts of the country, including through at least 30 killings of candidates and election officials” Ms Temido noted. While violence was more prevalent in local rather than national elections, “it influenced the overall atmosphere, resulting in widespread intimidation in several provinces”.

“Violence during an election is utterly unacceptable, particularly when it results in the loss of dozens of lives. A democratic electoral process should never be associated with such tragic incidents” said Vladimir Prebilič, Head of the Delegation of the European Parliament that joined the EU EOM and fully endorsed its statement.

COMELEC ensured the timely preparation of polling stations and the deployment of automated counting machines (ACMs) and ballots. EU EOM observers found COMELEC’s regional, provincial, city, and municipal branches to be experienced and competent. COMELEC’s public communication efforts were proactive and diverse, and for the first time included the distribution of personalised voter information sheets to all registered voters. 

Disregarding prior commitments, COMELEC’s assertions that EU observers were not allowed in the voting precincts undermined the EU EOM’s ability to observe voting procedures. As a result, the EU EOM could no longer ensure meaningful observation of the voting phase in all polling stations during the voting hours. Consequently, the Mission did not deploy its full team of observers as originally planned. 

Although a limited number of EU observers were able to observe voting in some precincts, the mission is not in a position to assess the voting process in line with its methodology. Nevertheless, after the close of polls, the EU EOM deployed 82 teams in 92 polling precincts across the country. In eight of them they were denied access.

The legal framework provided the basis for holding democratic elections, but it is dispersed across multiple laws that have largely superseded the 1985 Omnibus Election Code, with nearly half of its provisions no longer applicable, creating confusion and undermining legal certainty, as it is the case with provisions on election observation.

Based on COMELEC’s broad discretionary powers to reject or cancel candidacies, two thirds of the 184 candidate applications for the Senate, and 20 out of 635 candidacies for the House of Representatives district seats were rejected. The absence of clear deadlines for resolving disputes related to candidate and party-list registration undermined both the right to an effective remedy and the right to stand for election. In addition, in approximately 20 per cent of the district races, candidates ran unopposed, typically the incumbents, limiting genuine pluralistic competition and voter choice.

The EU EOM has been present in the Philippines since 28 March 2025 following an invitation from the COMELEC. Its mandate was to assess the entire electoral process against the Philippines’s constitution, laws and international commitments for democratic elections. The EU EOM deployed 226 observers from EU member states, Canada, Norway and Switzerland. This preliminary statement is delivered prior to the completion of the election process. The EU EOM remains in country to observe post-election developments and will publish a final report, containing detailed recommendations, within two months of the conclusion of the electoral process.

 -------------

Pagmamahal ng mga Pilipinong botante sa demokrasya nabahiran ng systematikong ng pagkukulang

Manila, 14 May 2025 – “Sa araw ng halalan nuong Mayo 12, pumunta ang mga Pilipino sa presinto upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa demokrasya at pagpapahalagang sibiko. Ito ay sa kabila ng malawakang bilihan ng boto na bahagya lamang na natugunan ng Commission on Elections (COMELEC),” sabi ni Chief Observer Marta Temido sa isang press conference sa Maynila kung saan iprinisinta ng EU Election Observation Mission (EU EOM) ang kanilang Preliminary Statement.

Inalala ni Chief Observer Temido ang pormal na imbitasyon ng Pilipinas upang obserbahan ang 2025 National Midterm Elections ng bansa at bilang pagtugon ay nagpadala ng ang European Union ng Election Observation Mission (EOM). Ang EU EOM ay may mandatong magmasid ng lahat ng aspeto ng proseso ng halalan. “Base sa metodolohiya ng EU, ang EU at gobyerno ng Pilipinas ay lumagda ng isang Administrative Arrangement na nagtakdang basehan para sa Misyon. Ito ay nagbigay sa EU EOM, at ng mga miyembro nito, ng kalayaang puntahan ang mga presinto at lugar ng bilangan, sa anumang oras. Ang kasunduang ito ay nagbigay kasiguraduhan na ang mga miyembro ng Misyon ay makakasunod sa International Election Observer Accreditation Guidelines ng COMELEC at ng EU EOM Code of Conduct,” aniya ni Temido.

“Ang natapos na halalan ay naganap sa kabila ng tuloy na pagdomina ng iilang pamilyang may politikong dynastina na kumandidato, na nakapekto sa patas na kompetisyon. Ang proseso ng halalan ay siya ring nabahiran ng karahasan, kasama na ang araw mismo ng halalan,” dagdag pa ni Chief Observer. Sa kabila nito, ang kampanya nitong halalan ay naging masigla at may malawak na pagbabalita mula sa media. Ang mga aspetong ito ng halalan ay mas nakatulong upang ang mga botante ay makabuo ng matalinong desisyon sa pagpili ng kanilang iboboto. 

Ang EU observers ay nakakita ng ilang mapagkakatiwalaang indikasyon, at mismong mga ulat, ng pagbili ng boto sa pamamagitan ng pagbigay ng pera, produkto, o ayuda. Ang mga insidente ng karahasan ay nakadungis sa proseso ng halalan sa ilang bahagi ng bansa, kasama ang di bababa sa tatlumpung pagkamatay ng mga kandidato at mga opisyal ng halalan,” sabi ni Temido. Habang ang mga insidente ng karahasan ay mas marami sa lokal kumpara sa pambansang halalan, “ito ay nakaimpluwensya sa kabuuang karanasan ng halalan na nagresulta sa malawakang intimidasyon o pananakot sa ilang probinsya.

Ang karahasan sa panahon ng halalan ay hindi katanggap-tanggap, lalo na kung ito ay humahantong sa pagkawala ng dose-dosenang buhay. Ang tunay na demoktratikong halalan ay hindi dapat nauugnay sa ganitong nakakapanlumong kaganapan,” sabi ni Vladimir Prebilič, ang puno ng delegasyon ng mga miyembro ng European Parliament na nakilahok sa EU EOM, na buong sumusuporta sa pahayag ni Chief Observer Temido.

Ang COMELEC ay nagsiguro na may sapat na oras at paghahanda ng mga presinto, at pagpapadala ng automated counting machines (ACMs) at ng mga balota. Nasaksihan ng EU EOM ang kakayahan at karanasan ng mga administrador sa COMELEC, ito man ay sa munisipal, city, rehiyunal, probinsyal na antas ng Komisyon. Ang mga opisyal na komunikasyon ng COMELEC ay maagap at malawak, na kasama ang pamimigay ng isinapersonal na voter information sheets para sa lahat ng rehistradong botante.

Sa pagsasawalang-bahala ng mga naunang kasunduan, ang giit ng COMELEC na pagbawalan ang mga EU observers na pumasok sa mga presinto ay kumumpromiso sa abilidad ng EU EOM na matiyagan ang proseso ng pagboto. Bilang resulta, hindi na masisiguro ng EU EOM na ito ay makabibigay ng makabuluhang obserbasyon ng proseso ng pagboto sa lahat ng presinto sa bansa sa oras ng pagboto. Dahil dito, ang Misyon ay hindi na nagpadala ng mga observers upang magmatyag base sa orihinal nitong plano.

Bagaman may ilang EU observers na nakapagmasid ng pagboto sa ilang presinto, ang Misyon ay wala sa posisyon upang makapagbigay ng komprehensibong assessment ng proseso ng pagboto, na naaayon sa sinusunod nitong metodolohiya. Gayunpaman, ang EU EOM ay nakapagpadala ng walungpu’t-dalawang grupo sa siyamnapu’t-dalawang presinto sa buong bansa, pagkatapos ng pagsasara ng botohan. Walo sa kanila ay hindi rin pinapasok kahit natapos na ang botohan.

Ang legal na balangkas na nagsilbing basehan ng pagsasagawa ng demokratikong halalan sa bansa ay makikita sa iba’t-bang batas. Ang mga batas na ito ay napangibabawan na ang 1985 Omnibus Election Code, na ang halos kalahati ng mga probisyon nito ay hindi na naaangkop, nadaragdag sa pagkalito, at nagpapahina sa legal na katiyakan sa pagsunod ng mga ito, tulad na lamang sa kaso ng probisyon sa pagmamasid sa halalan.

Base sa malawak na kapangayrihan ng COMELEC na kanselahin ang mga kandidatura ng mga tumatakbo, 124 ng 184 na aplikasyon ng kandidatura para sa senado at 20 sa 635 na aplikasyon sa pagtakbo sa kongreso ay hindi tinanggap. Ang kawalan ng malinaw na deadline para sa pagresolba ng mga pagtutol sa pagrehistro ng kandidato o party-list ay nakapagbabalewala ng kanilang karapatan sa mabisa at mabilis na solusyon at karapatan na lumahok sa halalan. Dagdag pa ang dalawangpung porsyentong kandidatong tumakbo na walang kalaban sa mga lokal na halalan. Ito ay karaniwang mga dati nang nanunungkulan, at nakakalimita ng tunay na bukas na kompetisyon para sa lahat ng gusting tumakbo at sa mga pagpipilian ng mga botante.

Ang EU EOM ay nasa bansa mula nuong 28 March 2025, alinsunod sa imbitasyon mula sa COMELEC. Ang mandato ng Misyon ay matasa ang buong proseso ng halalan base sa konstitusyon ng bansa, mga batas nito at sa pagtaguyod ng pagsasagawa ng demokratikong halalan. Ang Misyon ay nagpadala ng 226 observers mula sa EU member states, Canada, Norway and Switzerland. Ang preliminary statement ng Misyon ay binahagi bago matapos ang proseso ng halalan sa bansa. Ang EU EOM ay mananatili sa bansa upang obserbahan ang mga aktibidad pagkatapos ng botohan at maglalathala ng final report, na naglalaman ng mga rekomendasyon, sa susunod na dalawang buwan matapos ang buong halalan.